Enerpeak C Immune System Booster - 500mg x 100 Capsules

₱1,169.00 ₱2,400.00 -52% OFF

Enerpeak C Immune System Booster - 500mg x 100 Capsules

₱1,169.00 ₱2,400.00 -52% OFF
0 LEFT IN STOCK
0 watching this item.
Product Details

Ang Enerpeak-C ay pinakabagong Vitamin C Capsule na produkto ni Enerpeak. Ito ay nagbibigay ng dagdag kalakasan at proteksyon sa ating katawan. Nagpapatibay din ito ng ating immune system dahil sa mga pangunahing sangkap nito tulad ng Calcium Ascorbate, Zinc, Camu-Camu at Mulberry Fruit.

Ang Vitamin C ay gumaganap ng isang mahalagang papel sa ating katawan. Ito ay kinakailangan upang mapanatili ang kalusugan ng balat, ngipin, buto, at mga daluyan ng dugo. Ginagamit din ito upang protektahan ang mga cells ng katawan mula sa pinsala.

Ang Calcium Ascorbate ay isang uri ng Vitamin C na ginagamit upang mapataas ang antas ng Vitamin C sa mga taong hindi nakakukuha ng sapat na vitamins mula sakanilang mga diet. Ang produktong ito ay naglalaman din ng calcium na makatutulong para mas mapalakas at mapatibay ang ating mga buto. Ito rin ay kilala bilang isang mabisang antioxidant.

Ayon sa pag-aaral, ang Zinc ay nakatutulong para mapalakas ang ating immune system laban sa anumang sakit. Maaari din itong makatulong na panatilihing malusog ang ating paningin habang tumatanda. Ito din ay mabisang panlaban para maiwasan ang pamamaga sa ating katawan.

Ang Camu-Camu ay isang uri ng prutas at itinuturing na isang superfood dahil nagtataglay ng mataas na nutrients at makapangyarihang mga compound ng halaman, kabilang ang Vitamin C. Naglalaman rin ito ng kumbinasyon ng mga antioxidant na lumalaban sa mga free radicals.

Ang Mulberry fruit ay mayaman naman sa maraming bitamina at mineral, lalo na ang Vitamin C at Iron. Nagtataglay din ito ng mataas na halaga ng tamang dami ng potassium and Vitamins E and K. Maaari din itong makatulong mapababa ang antas ng Cholesterol para maiwasan ang pagkakaroon ng sakit sa atay at pagbutihin ang pagkontrol sa blood sugar. Binabawasan din nito ang oxidative stress para maiwasan ang panganib ng pagkakaroon ng kanser. Kasabay ng tamang diet at exercise at regular na pag-inom ng Enerpeak-C Capsule ay mapapalakas ang ating energy sa katawan at ang ating immune system para maiwasan ang anumang sakit.